Plano ni Senador Richard Gordon na muling buksan ang imbestigasyon ng Mamasapano incident.
Inihayag ito ni Gordon bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, matapos madismaya sa desisyon ng Sandiganbayan na i-abswelto sina dating Philippine National police (PNP) Chief Allan Purisima at dating Special Action Force (SAF) Chief Getulio Napenas sa kasong graft at usurpation of official function na nag ugat sa Mamasapano incident.
Ayon kay Gordon, kawalang hustisya ito sa 44 na miyembro ng SAF na nasawi sa Mamasapano noong January 25, 2015.
Pinag-iisipan rin ni Gordon na hingan ng paliwanag ang mga prosecutors ng Department of Justice (DOJ) kung bakit naibasura ang isinampa nilang kaso laban kina Purisima at Napenas.
Una nang kinuwestyon ni Gordon ang sunod-sunod na pagkatalo ng prosecution sa maraming kaso tulad ng euro generals.
Hindi napigilan ni Gordon ang mangamba sa kahihinatnan ng kasong isinampa laban kay dating PNP Chief Oscar Albayalde at mga binansagang ‘ninja cops’.