Tatapusin ng PNP-CIDG sa loob ng 2 linggo ang imbestigasyon nito sa marahas na dispersal sa US Embassy nitong nakalipas na October 19.
Sinabi ni PNP Deputy director for operations Benjamin Magalong na maituturing na critical evidence ang hawak nilang CCTV footage bilang isa sa mga ebidensya para matukoy ang responsable sa kaguluhan.
Ayon kay Magalong nakausap na ng mga imbestigador ang mahigit 20 pulis.
November 4 aniya inaasahan nilang mailalabas na ang resulta ng imbestigasyon sa nasabing insidente.
By: Judith Larino