Hindi pa natatapos ang kampanya ni Senador Riza Hontiveros laban sa mga sangkot sa Pastillas scheme.
Sinabi ni Hontiveros na naniniwala siyang mayroon pang big fish o malalaking isda na direktang sangkot sa nasabing anomalya sa Bureau of Immigration dahil sa laki at lawak ng illegal business ventures na nakapalibot sa visa upon arrival scheme at human trafficking ng mga Pilipina.
Tiniyak ni Hontiveros na hindi natatapos sa pagsasampa ng kaso laban kay Red Marinias at mahigit 80 iba pa ang pagkilos nila para mapanagot ang mga ito sa naturang anomalya.
Binigyang diin ni Hontiveros na hindi sila titigil hanggang hindi nabibigyan ng hustisya ang mga kababaihan sa kalokohang ito.