Ipinauubaya na ng mga magulang ni Michael Angelo Remecio sa National Bureau of Investigation ang kaso ng pagpatay sa kanilang 16 anyos na anak.
Ayon kay Public Attorney’s Office Chief, Atty. Persida Rueda-Acosta, nawawalan na ng tiwala sina Dionisio at Genevie, ama at ina ni Michael sa mga pulis kaya’t nagpapasaklolo na sa N.B.I.
Hiniling na rin ni Acosta kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na maglabas ng Department Order na mag-uutos sa N.B.I. na maglunsad ng sarili nitong imbestigasyon.
Setyembre a-13 nang madiskubre ang na-aagnas na katawan ng binatilyo malapit sa isang sapa sa San Jose Del Monte City, Bulacan matapos mawala ng mahigit dalawang linggo.
SMW: RPE