Kinondena ng Ateneo De Manila University ang naganap na shooting incident sa Gate 3 ng unibersidad kaninang hapon.
Ayon sa pahayag ng unibersidad, tatlong indibidwal ang nasawi habang dalawa ang sugatan kabilang na ang suspek sa pamamaril.
Nangyari ang insidente isang oras bago magsimula ang 2022 commencement exercises sa Ateneo De Manila School of Law na agad namang kinansela.
Tiniyak din ng unibersidad ang seguridad sa Loyola Heights maging sa campus nito at ang pagpapaigting ng security protocol.
Nagpahayag din ng pakikiramay ang unibersidad sa pamilya ng mga biktima at nagpasalamat sa agad na pagtulong ng law enforcement at tauhan ng lokal na pamahalaan.
Patuloy namang makikipag-ugnayan ang Ateneo sa awtoridad para sa imbestigasyon sa naturang insidente.