Gumulong na ang imbestigasyon ng senate committee on public services na pinamumunuan ni Senador Grace Poe hinggil sa aksidenteng kinasangkutan ng Panda Bus sa Tanay, Rizal na ikinasawi ng 15 katao.
Una nang nagbigay ng privilege speech si Senador Tito Sotto sa nasabing pagdinig.
Iginiit ni Sotto sa LTO ang mahigpit na pagpapatupad ng proseso sa pagre-renew ng driver’s license dahil maraming driver ang hindi lamang reckless kundi tatanga-tanga pa.
Naniniwala si Sotto na 50% ng mga driver ang tiyak na babagsak kapag isinalang sa aniya’y tunay na examination.
Bukod dito, ipinabatid ni Sotto ang nakikitang mga sasakyan na iligal na naka park kaya’t nais niyang ipadeklarang no parking zones ang maraming lansangan sa Metro Manila tulad sa Singapore.
Isang hakbang na rin aniya ito para masolusyunan ang problema sa trapiko sa kalakhang Maynila lalo na sa EDSA.
By Judith Larino |With Report from Cely Bueno