Pina-iimbestigahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa NBI-Anti Cybercrime Group ang nangyaring pang-ha-hack sa facebook account ng nasabing ahensya.
Ito’y matapos dagsain ng mga benepisyaryo ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.
Una na ring nilinaw ni DSWD officer-in-charge undersecretary Eduardo Punay na wala silang aplikasyon at hindi pa sila namamahagi ng ayuda.
Patuloy namang inaayos ng DSWD ang kanilang Facebook account.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla