Isinulong ni Senador Imee Marcos ang imbestigasyon ng senado sa patuloy na pagsirit ng presyo ng lokal na sibuyas.
Bunsod itong pagbaha ng mga imported agricultural products at talamak na smuggling ng mga ito mula sa ibang bansa.
Sa kanyang Senate Resolution 350, inihayag ni Marcos, Chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, na ang retail price ng sibuyas ay P400 hanggang P500 na kada ang kilo.
Ayon sa senador, dapat matukoy ang sanhi at tiyaking hindi papatayin ng panawagang importasyon ang local onion industry.
Nag-ugat ang resolusyon ng mambabatas sa babala ni Samahang Industriya ng Agrikultura President Rosendo So na posibleng tumaas pa ang presyo ng sibuyas dahil umano sa supply shortage.