Welcome sa Malacañang ang isinusulong na imbestigasyon ni incoming Senator Leila de Lima hinggil sa mga napapatay na drug pushers.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo sa gitna nang sunud-sunod na pagkakapaslang sa mga hinihinalang drug pushers sa iba’t ibang panig ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Sal Panelo
Iginiit pa ni Panelo na walang trial by publicity sa isyu ng limang heneral na ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nagsisilbing protektor ng illegal drug trade.
Malaya nga aniyang nai-interview ng media ang mga idinawit na heneral na nakakapagpaliwanag sa naturang usapin.
Bahagi pahayag ni Atty. Sal Panelo
Drug suspects
Samantala, pumapalo na sa 103 ang napapatay na drug suspects sa anti-illegal drug operations ng Philippine National Police (PNP).
Ito ayon sa PNP ay mula May 10 hanggang July 3.
Sinabi ng PNP na sa kaparehong panahon ay halos 6,000 suspected drug pushers ang naaresto na ng mga awtoridad sa buong bansa.
By Judith Larino | Karambola