Posibleng umabot pa ng isang taon ang imbestigasyon ng nasunog na eroplano ng Lion Air.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Erik Apolonio, dadaan sa masusing imbestigasyon ang sinapit ng Lion Air na ikinasawi ng walo katao.
Ani Apolonio, kailangan masuri ng mga otoridad ang nasunog na eroplano, makuha ang panig ng mga testigo at masuri ang service record ng naturang aircraft.
Bineberipika pa rin umano ng mga imbestigador kung mayroong ngang flight record ang eroplano na dadalhin sa Singapore, Japan at Australia.
Ang lahat umano na ito ay maaaring tumagal ng anim na buwan hanggang isang taon.