Umusad na ang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagkasunog ng Light Ferry 16 o kilala rin sa tawag na ro-ro sa Dapitan City, Zamboanga Del Norte kung saan tatlo katao ang nasawi.
Pinagpapaliwanag ng PCG ang may-ari ng ro-ro kung bakit nasa 100 lamang ang nakalista sa kanilang manifesto samantalang umabot sa 245 ang na rescue nang masunog ang ro-ro.
Pansamantala munang itinigil ng PCG at ng Disaster Risk Reduction Management Office ang search and rescue dahil hindi sila sigurado kung mayroon pang nawawala.
Nahila na rin ang nasunog na ro-ro sa may pantalan ng Plaridel, Zamboanga Del Norte.