Tinuldukan na ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang imbestigasyon sa overpriced umanong medical supplies na binili ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ito’y makaraang humarap si Krizel Mago ng Pharmally sa pinakahuling araw ng Motu-Propio Investigation ng naturang kumite na pinamumunuan ni Diwa Partylist Rep. Michael Edgar Aglipay.
Sumentro ang imbestigasyon sa 2020 annual audit report ng Commission On Audit sa inilipat na pondo ng DOH sa procurement service ng DBM upang ipambili ng pandemic supplies.
Ayon kay Aglipay, patuloy ang pagsusulong ng mga mambabatas sa hustisya at kalayaan ng pamamahayag nang walang halong bullying at pananakot.
Sa kaniyang pagharap sa komite, inamin ni mago na humingi siya ng proteksyon sa mababang kapulungan ng kongreso dahil sa maayos na pagtatanong ng mga kongresista nang walang “undue influence.”
Binawi rin ni Mago ang naunang pahayag nito sa Senate Blue Ribbon Committee na niloko ng Pharmally ang gobyerno dahil natakot lamang siya na ipakulong ng mga senador.—sa panulat ni Drew Nacino