Walang plano ang House Committee on Good Government and Public Accountability na itigil ang imbestigasyon sa maling paggamit sa confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education noong 2023.
Ito, ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe matapos na dalawin ni vp sara ang kaniyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez na nakakulong.
Sinabi naman ni Manila Rep. Joel Chua, na ipagpapatuloy nila ngayong araw ang imbestigasyon at muling inimbitahan ang bise presidente para ipaliwanag kung saan, papaano at kanino ginamit ang 612.5 million pesos na confidential funds sa OVP at DEPED.
Ayon sa mambabatas, hindi magpapatinag ang komite kahit pinagmumura na ang mga ito ng pangalawang pangulo at kahit pa anila nagwawala ito.
Para naman kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, walang kinalaman sa pagdinig ang ambisyon ni VP Sara na maging pangulo sa 2028, dahil ang gusto lang aniya ng komite ay maipaliwanag nito ng maayos ang nasabing confidential funds.