Mas makakatiyak na magiging neutral at patas ang imbestigasyon sa naganap na pag ambush kay Mayor David Navarro ng Clarin, Misamis Occidental kung National Bureau of Investigation o NBI ang mag iimbestiga sa kaso.
Binigyang diin ito ni Senador Richard Gordon matapos suportahan ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya o ibigay sa NBI sa halip na sa pulis ang pag i-imbestiga sa ‘Navarro Ambush Killing Case’.
Sinabi pa ni Gordon na dapat maimbestigshan at malaman kung ang mga pulis ba ay sumusunod o lumalabag sa batas.
Kasabay nito, iginiit ni Gordon ang pagsuporta sa panukalang ihiwalay na sa PNP at gawing independent institution ang Internal Affairs Service o IAS na nag iimbestiga sa mga tiwaling pulis. — ulat mula kay Cely Ortega- Bueno (Patrol 19)