Naglunsad na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa India bunsod ng umano’y drone attacks sa isang military airport sa Jammu City.
Ayon sa Indian Air Force, tumama ang unang ‘low intensity’ na pagsabog sa bubong ng isang gusali habang ang isa pa ay bumagsak naman sa isang open area.
Pinaniniwalaang kagagawan ito ng mga armadong grupo sa Kashmir na matagal nang gustong ihiwalay sa India ang Himalayan region para umanib sa Pakistan.