Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP na narekober na ang recorder ng bumagsak na Airbus H-125 Helicopter ng PNP sa Real Quezon nuong Pebrero.
Ito’y ayon kay PNP Chief, P/Gen. Dionardo Carlos ang siyang magiging sentro ng isinasagawang imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Una nang inihayag ni Carlos na nananatiling grounded ang lahat ng Chopper ng PNP habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng CAAP sa insidente.
Kasunod nito, may isinasagawa ring imbestigasyon ang PNP para tukuyin ang mga pagrepaso sa kanilang ipinatutupad na polisiya sa paggamit ng mga Helicopter ng Pambansang Pulisya.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo na hinihingan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ng karagdagang salaysay ang mga piloto ng bumagsak na helicopter na sina P/LtCol. Dexter Vitug at co-pilot na si P/LtCol. Michael Millora na kapwa nasugatan sa insidente. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)