Makabubuting ipaubaya na sa ibang ahensya, sa halip na sa Philippine National Police (PNP), ang imbestigasyonsa pagkawala ng mahigit 30 sabungero.
Ito, ayon kay Senador Bong Go, aykung may mga pulis na sinasabing sangkot sa pagdukot sa mga biktima.
Dapat anyang matiyak na magiging patas at mabigyan ng katarungan ang pamilya ng mga nawawala.
Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP at National Bureau of Investigation na tutukan ang kaso.
Sa pagdinig ng senado noong Lunes, kinumpirma mismo ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group na mga pulis ang nasa 10 suspek sa pagdukot sa isang E-Sabong master agent sa San Pablo City, Laguna.
May mga sabungero ring tumestigo at nagsabing may ilang pulis na nagbanta sa kanilang buhay dahil sa kanila umanong pani-niyope o pandaraya sa E-Sabong. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)