Nananawagan ang ilang mga international rights group sa United Nations (UN) na imbestigahan ang kaso ng pagpatay sa Saudi journalist na si Jamal Khashoggi.
Kasabay ito ng paggunita sa anibersaryo ng insidente.
Sa isinagawang memorial service para kay Khashoggi sa labas ng Saudi Arabia consulate sa Turkey, sinabi ng partner ng journalist na si Hatice Cengiz na patuloy silang maghahanap ng hustisya.
Magugunitang hindi na natagpuan pa ang labi ni Khashoggi matapos itong magtungo sa consulate ng Saudi Arabia sa Turkey para kumuha ng ilang kinakailangang dokumento noong October 2, 2018.