Ipinadala na ng National Bureau of Investigation o NBI ang kanilang 3 grupo sa Eastern at Northern mindanao para imbestigahan ang napapabalitang sunod sunod na pagpatay sa mga katutubang lumad doon.
Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, magsasagawa sila ng validation process at hihingi ng pahayag mula sa mga testigo na magpapatunay sa mga nakalap nilang impormasyon na galing sa National Commission on Indigenous People.
Kinumpirma ni Mendez na mayroon na sila ngayong listahan ng mga serye ng pagpatay sa mga lumad ngunit kanila pa itong beberipikahin.
Dagdag pa nito, mayroon lamang silang 60 araw o halos 2 buwan para tapusin ang imbestigasyon at isumite ang report kay Justice Secretary Leila De Lima.
Ang NBI teams na ipinadala sa Davao, Cagayan De Oro at CARAGA region ay pangungunahan ni NBI deputy for regional operations Edmundo Arugay.
By: Jonathan Andal