Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo at nasa likod ng pananambang kay Mayor David Navarro ng Clarin, Misamis Occidental.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Brigadier General Valeriano De Leon, hepe ng Region 7 o Central Visayas Police, kung saan kabilang sa mga tinututukang anggulo ay may kaugnayan sa ilegal na droga.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa iba pang otoridad para sa mga lumulutang na anggulo sa nasabing pananambang.
Sinabi ni De Leon na inatasan na niya ang Special Investigation Task Force para ipunin ang lahat ng mga impormasyon para matukoy ang suspek sa nasabing krimen.
Immediately, we created a special investigation task group which was approved by the higher headquarter, tiningnan lahat ng anggulo, marami pong mga impormasyon na nakakarating sa atin,” ani De Leon. — sa panayam ng Ratsada balita