Pabor si Senador Richard “Dick” Gordon na muling imbestigahan ng senado ang kontrobersyal na pork barrel fund scam.
Ayon kay Gordon, sa ganitong paraan ay maiimbestigahan na rin ang iba pang sangkot sa PDAF scam na hindi pa kabilang sa nakasuhan.
Una rito, inihayag ni Senador Chiz Escudero na kanyang pag-aaralan ang posibleng pagsusumite ng resolusyon para muling buksan ang imbestigasyon ng senado sa PDAF scam.
Sinabi ni Escudero na kanya munang titingnan kung ano ang i-pa-prayoridad sa imbestigasyon ng Department of Justice o DOJ sa oras na tumutok lang ito sa PDAF scam ni Janet Napoles at kung lumitaw na target lang nito ay ang oposisyon, isusulong niya ang muling pag-iimbestiga ng mataas na kapulungan ng kongreso.
Ito’y upang mabusisi kung sino naman ang sangkot at dapat mapanagot sa may sampung (10) bilyong pisong pork barrel fund na nagamit sa katiwalian.
By Drew Nacino |With Report from Cely Bueno