Hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso na kanilang ipagpaliban ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naganap na shooting incident sa Commonwealth Avenue na kinasangkutan ng mga alagad ng batas.
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, nais kasi ng Pangulo na mauna ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng kanilang pagsisiyasat sa insidente.
Mababatid na bago nito ay bumuo ng joint board of inquiry ang PDEA at PNP para siyasatin ang naturang insidente.
Pero sang-ayon ang Pangulo na ipaubaya sa NBI ang naturang imbestigasyon para ito’y matiyak na magiging impartial o magiging patas ang pagsisiyasat dito.