Tila nahila pababa ng kontrobersya sa Pharmally ang pagsuporta ng publiko sa Duterte administration kaugnay sa pagtugon sa pinakamahalagang usapin para sa kanila.
Ayon ito kay Dela Salle University Lecturer Professor Cleve Arguelles, matapos ilabas ng Pulse Asia ang bumabang aprroval rating ng gobyerno sa pagtugon sa kanilang concerns.
Tinukoy ng Pulse Asia ang pagbaba ng 12% quarter to quarter at 25% year on year, sa pag apruba ng publiko sa kampanya ng gobyerno laban sa korupsyon.
Sinabi ni Arguelles na aktibo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pag depensa sa ilang sangkot sa Pharmally Deal kaya’t hirap ang senado na gawin ang trabaho nitong imbestigahan ang usapin.
Maaari aniyang napagtutuunan ng pansin ng publiko ang pagiging defensive ng Pangulo sa Pharmally controversy na malaki rin ang posibilidad na makapagpabagsak sa trust at approval ratings ng Pangulong Duterte.