Umaasa ang Task Force-PhilHealth na kanilang mapananagot ang lahat ng nasa likod ng korapsyon sa ahensiya, kabilang ang mga dati at kasalukuyan pa ring nagtatrabaho dito.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, kasunod na rin ng pagbibitiw sa puwesto ni dating PhilHealth President Ricardo Morales.
Ayon kay Guevarra, tuloy-tuloy lamang ang isinasagawang tahimik na imbestigasyon ng Task Force PhilHealth.
Ito, aniya ay bagama’t batid nilang hindi isinisiwalat ng kanilang mga resource persons ang lahat ng kailangan nilang malaman.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng Task Force na mag-iimbestiga sa mga alegasyon ng malawakang korapsyon sa PhilHealth sa pamumuno ni Guevarra.