Tiyak na makokompromiso ang imbestigasyon sa pork barrel scam kapag itinalaga ng Pangulong Noynoy Aquino si Congressman Niel Tupas sa Department of Justice (DOJ).
Sinabi ito ni Atty. Levito Baligod, abogado ng mga whistleblower, matapos aminin ni Tupas sa isang panayam na isa siya sa pinagpipilian na pumalit kay Justice Secretary Leila de Lima, sakaling mag-resign na ito upang tutukan ang kandidatura.
Ayon kay Baligod, kapag si Tupas ang magiging susunod na kalihim, tiyak na mas maaantala ang pagkakaso sa mga susunod na batch ng respondent sa pork barrel scam dahil karamihan sa mga ito ay mambabatas.
Sa kabila nito, sinabi ni Baligod na kaniya naman nirerespeto ang anumang magiging pasya ng Pangulong Benigno Aquino III.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)