Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pag overshoot ng isang eroplano ng Korean Air sa runway ng Mactan Cebu International Airport (MCIA), kagabi.
Batay sa initial imbestigasyon ng CAAP, dalawang beses sinubukan ng Airbus SE A330 flight KE361 galing Seoul na mag landing subalit dahil sa sama ng panahon ay nag overshoot ito sa runway sa ikatlong pagkakataon nang muling subukang lumapag.
Humingi na rin ng paumanhin si Korean Air President Keehong Woo sa mga naapektuhang pasahero kasabay ang pagtiyak ng imbestigasyon sa nasabing insidente. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)