Nababahala si Senator Panfilo Lacson sa posibleng kahantungan ng senate inquiry kaugnay ng drug killings o summary executions.
Giit ni Lacson, maaari kasi itong matulad sa imbestigasyon sa “Kuratong Baleleng Incident” na nangyari dalawang dekada na ang nakararaan.
Nilinaw ni Lacson na bagama’t hindi siya tutol sa imbestigasyon na ipinasusulong ni Sen. Leila de Lima ay hindi pa aniya napapanahon para isagawa ito.
Bahagi ng pahayag ni Senator Panfilo Lacson
By Jelbert Perdez