Hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Blue Ribbon Committee na muling buksan ang imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot ni Presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa iligal na droga.
Kasunod aniya ito ng pagkalat ng video sa social media na nagsasaad na may matibay na ebidensya laban sa batang Duterte at sa kapatid ng bayaw nito.
Ayon kay Drilon, magagamit na pagkakataon nina Paolo at Agriculture Undersecretary Walden Carpio ang Senate hearing para magpaliwanag at linisin ang kanilang pangalan sa mga alegasyon laban sa kanila.
Dagdag ng senador, maaaring idetalye ni Paolo sa pagdinig ang tinutukoy nitong JS na anito’y nagpakalat ng video habang puwede naman hanapin ng Blue Ribbon Committee ang nagpakilalang bikoy na may hawak umanong ebidensya.
(Ulat ni Cely Bueno)