Iniimbestigahan na ng Department Of Health o DOH ang umano’y overpriced na investigational drugs na ginagamit panlaban o gamot sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Anna Guerrero, may mga pasyenteng nagrereklamo dahil sa napakataas na presyo ng remdesivir na nagkakahalaga umano ng P27K.
Ani Guerrero dapat ay naglalaro lang ang presyo ng naturang gamot sa P1,500 hanggang P8,200 habang ang halaga ng importasyon ay hindi dapat hihigit sa P5,000.
Imported kasi aniya mula sa India ang gamot ngunit hindi pa rin ito dapat maging ganung kamahal kaya’t posibleng ang patong ay mula sa mga ospital.
Batay umano sa mga resibo na pinakita ng ilang pasyente, naglalaro sa 15,000 hanggang 27,000 pesos ang halaga ng Remdesivir.
Sa ngayon ay kasalukuyan na ng nakikipagtulungan ang DOH a Department of Trade and Industry para imbestigahan ang overpriced na Remdesivir.