Nanawagan ang National Movement For Free Elections (NAMFREL) sa Commission On Elections na imbestigahan na ang umano’y pag-hack sa data system nito.
Inabisuhan ng NAMFREL ang poll body na dapat aksyunan na agad ang issue sa lalong madaling panahon at kumonsulta sa mga IT Security expert.
Pinayuhan din ng Poll Watchdog ang COMELEC na magtalaga ng incident response team na lilikha ng isang proactive incident response plan, gagawa ng vulnerability assessment technology infrastructure ng COMELEC;
Reresolba sa system vulnerabilities, magpapatupad ng matatag na information security practices at tutugon sa address information security incidents.
Noong Lunes ay ini-ulat ng pahayagang Manila Bulletin na napasok umano ng mga hacker ang data system ng COMELEC at nag-download ng files, kabilang ang usernames at pins ng vote-counting machines.