Sinimulan na ng Office of the Ombudsman ang motu proprio investigation sa umano’y sabwatan sa pagitan ng mga tauhan ng Department of Agriculture (Da) at isang kooperatiba sa Nueva Ecija hinggil sa mataas na presyo ng sibuyas na pumalo na sa mahigit P500 ang kada kilo.
Matatandaang sinabi ng Anti-Graft Agency, na kanilang iimbestigahan ang DA at food Terminal Incorporated (FTI) kaugnay ng pagbili ng sibuyas kung saan, nagkaroon umano ng bidding sa bonena multipurpose cooperative sa barangay Curva, Bongabon, Nueva Ecija.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, kanila nang tinitingnan ang posibleng pakikipag-ugnayan ng mga opisyal ng ahensya at pribadong sektor hinggil sa nasabing isyu.