Kung si Senadora Imee Marcos ang tatanungin, dapat nang ipaubaya sa korte at national bureau of investigation ang mga ipinupukol na alegasyon kay dating Pang. Rodrigo Duterte.
Sinabi ito ng presidential sister sa gitna ng imbestigasyon ng quad committee ng kamara sa extrajudicial killings noong Duterte administration.
Ayon kay Senadora Marcos, NBI ang dapat na gumalaw para sa mas kumpletong imbestigasyon at kung may matitibay na ebidensya ay dapat na aniya itong iakyat sa korte upang makapaghain na ng kaso.
Idiniin ng mambabatas na tila wala namang patutunguhang batas ang ‘In Aid of Legislation’ na imbestigasyon ng Kamara de Representantes.
Bukod dito, ayaw rin umanong mangyari ni senadora Marcos sa pamilya Duterte ang sinapit ng kaniyang pamilya na pambu-bully at pangunguyog dahil lamang wala na sila sa kapangyarihan.
36 na taon aniya silang nagtiis dahil sa napakabagal na usad ng kaso nila bago nailabas ang hatol.