Napili ng mga senador ang Senate Blue Ribbon Committee para imbestigahan ang madugong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero, sumang-ayon na rito sina Senators Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher ‘Bong’ Go, na unang humiling ng parallel investigation tulad sa kamara.
Pangungunahan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang nasabing imbestigasyon.
Sinabi pa ni SP Escudero napili ang Blue Ribbon Committee dahil kaya nitong magkasa ng motu proprio investigation habang naka-recess ang kongreso.
Nais ng lider ng senado na masimulan na ang imbestigasyon habang naka-break ang dalawang kapulungan dahil magiging abala na ang senado sa budget deliberations sa pagbabalik ng sesyon.