20 karagdagang kaso pa ng kurapsyon ang iniimbestigahan ngayon ng task force PhilHealth.
Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento ng Department of Justice, posibleng tumagal pa ang imbestigasyon na kanilang ginagawa dahil bukod sa 13 kasong isinampa na, nadagdagan pa ito ng 20 na kanilang tinatrabaho sa ngayon.
Kabilang na aniya sa kanilang iniimbestigahan ay ang umano’y bilyong-bilyong nawawalang pera sa PhilHealth.
Magugunitang sinabi ni PhilHealth President Dante Gierran na na-liquidate na ang 92% ng nawawalang P15-B ng ahensya.