Pina-iimbestigahan na ng SRA o Sugar Regulatory Administration kung sino ang may-ari ng P100 milyong pisong halaga ng asukal na tinangkang ipuslit sa bansa.
Ayon kay Administrator Regina Bautista-Martin ng SRA, maging si dating LTO Chief Virginia Torres ay kanila na ring pina-iimbestigahan makaraang tangkain nitong mamagitan para i-release ng Bureau of Customs ang shipment ng asukal.
Sinabi ni Martin na bagamat hindi kailangan ng permit para makapag-angkat ng asukal dahil sa ASEAN free trade, kailangan pa rin ng release permit mula sa kanilang tanggapan bago mailabas ang asukal sa BOC.
“For the past 5 years, since 2010, hindi po tayo umangkat ng asukal for importation, self-sufficient naman tayo kung dumagsa ‘yan at makakapasok, mawawalan ng hanap-buhay ang ating mga magsasaka.” Ani Torres.
Binigyang diin ni Martin na maraming magsasaka ang apektado kung babaha ng imported na asukal sa Pilipinas.
Tiyak aniyang babagsak ang presyo ng asukal dahil sapat naman ang suplay sa kasalukuyan.
“For the ASEAN free trade we cannot give a permit, pero what we do is pagdating ng asukal o kapag nalaman nila na parang may smuggling, misdeclared tumatawag sila ng representative from SRA, pinupuntahan, kumukuha tayo ng sample para malaman kung talagang asukal bago gumawa ng release clearance.” Pahayag ni Martin.
By Len Aguirre | Ratsada Balita