Isinusulong ni Senador Koko Pimentel na matuldukan na ngayong araw na ito ang imbestigasyon sa mga umano’y anomalyang kinasasangkutan ni Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Pimentel, Chairman ng Senate Blue Ribbon Sub Committee, ang hearing ngayong araw ay ika-25 pagdinig simula nang simulan ang pagdinig sa mga isyu laban kay Binay noong August 2014.
Sinabi ni Pimentel na inaasahang matututukan na nila lahat sa pagdinig ngayong araw ang mga nakabinbing usapin matapos ang huling pagdinig noong August 2015.
Tila wrap up aniya ang mangyayari sa pagdinig ngayong araw at kung maryoon pang mga ebidensyang isusumite ay dapat gawin ito ng pormal.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)