Ipinagpaliban ni Senate Health Committee Chair JV Ejercito ang pagsusulong ng imbestigasyon sa problema sa anti dengue vaccine na gawa ng Sanofi Pasteur.
Sinabi sa DWIZ ni Ejercito na sa susunod na taon na lamang niya paiimbestigahan ang usapin at hahayaan muna niya ang mga kinauukulan na tumutok dito.
Tiyak aniyang wala pa siyang makukuhang mahahalagang impormasyon kung isusulong na kaagad ngayon ang imbestigasyon sa isyu.
Bagamat gusto nating malaman ang katotohanan nyan, ay siguro bandang January na ako magpapatwag ng hearing dahil hayaan na muna natin ang DOH, ang mga WHO expert, at mga doktor na espesyalista na sila muna ang mag – imbestiga.
Dahil kung ngayon tayo magpapatawag, wala pa tayong tiyak na makukuha pa masyado dahil bago – bago pa lang. So, sa akin hayaan na muna natin ang DOH at WHO expert upang malaman talaga ang nangyari at kung ano ang mga recommendation.