Tinanggap ng UN Special Rapporteur on Extrajudicial Executions ang imbitasyon ng Administrasyong Duterte na imbestigahan ang mga patayan sa Pilipinas na iniuugnay sa kampanya kontra droga.
Gayunpaman, sinabi ni Agnes Callamard na nakadepende sa terms of reference na itinakda na ng United Nations ang magiging alituntunin sa kanyang pagbisita rito sa Pilipinas.
Taliwas ito sa naging posisyon ng pamahalaan na una nang nagpahayag na pag-uusapan pa ng UN at ng gobyerno ng Pilipinas ang magiging pagbisita ni Callamard.
Matatandaang inanyayahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United Nations na mag-imbestiga sa umano’y extrajudicial killings na isinisisi sa kanyang pagtugis sa mga drug pusher at user sa kondisyong hahayaan siyang magtanong sa Rapportuer.
Ngunit wala ang nasabing kondisyon sa revised terms of reference ng United Nations.
By: Avee Devierte