Hinihintay na ni Pangulong Noynoy Aquino ang kumpas ni Senate President Franklin Drilon kung gusto ng mga senador na makipagpulong kaugnay sa usapin ng Bangsamoro Basic Law o BBL.
Sinabi kahapon ng Presidente na aabangan na lamang ang imbitasyon ng senado para pag-usapan ang BBL.
Ayon sa Pangulo, ayaw niyang mapagbintangang nakikialam sa isang independent body kaya’t kailangan itong balansehin.
Batid ng Pangulong Aquino na may mga senador na tutol sa BBL kaya’t bukas siya na makipag-usap sa mga ito.
Isa si Senador Bongbong Marcos sa mga may pasubali sa BBL at nagsabing hindi ipapasa ang panukalang batas batay sa kagustuhan ng Pangulo dahil may mga probisyon na sa tingin ng mambatatas ay labag sa konstitusyon.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)