Tinanggihan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang imbitasyon ng University of the Philippines (UP) student council para sa isang diyalogo.
Hinggil ito sa plano ng pamahalaan na maglagay ng pulis at militar sa loob ng mga paaralan upang maiwasan di umano ang pagrerecruit ng mga estudyante na lumahok sa New People’s Army (NPA).
Dahil dito, ipinagpaliban muna ng UP Student Council ang diyalogo na nakatakda sana ng Huwebes, September 5.
Sa halip, sinabi ni UP USC Chairperson Sean Thakur na plano nilang magpadala ulit ng imbitasyon kay Dela Rosa at itakdang muli sa September 12 ang diyalogo.
Una nang nag walk out ang mga UP students bilang protesta sa anila’y militarisasyon sa campus na anila’y pagsikil sa academic freedom.