Hindi pa opisyal na tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni U.S. President Donald Trump na bumisita sa Amerika.
Ayon kay Pangulong Duterte, masyado siyang abala kaya’t hindi niya maipangako ang pagbisita sa Estados Unidos lalo sa White House.
Mayroon na anyang mga naunang imbitasyon gaya ng China, Russia, Japan at Israel.
Matatandaang nag-usap ang Pangulo at si Trump sa ikalawang pagkakataon noong sabado ng gabi pagkatapos ng ASEAN Summit kung saan inimbitahan nito si Duterte na bumisita sa Amerika.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping