Posibleng tumakbo bilang senador si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa 2019 elections.
Ito ang inihayag ni dating Senador Bongbong Marcos makaraang muling igiit ang kanyang pasiya na hindi sasabak sa eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay Marcos, plano lamang niyang tutukan at tapusin ang kanyang inihaing protesta laban kay Vice President Leni Robredo at subukang pabilisin ang recount.
Paliwanag ni Marcos, kinakailangan niya kasing bitiwan ang inihaing protesta kung tatakbo siya sa susunod na taon at wala siya planong talikdan ito.
Sinabi pa ng dating senador na nagsimula na rin aniyang mag-ikot si Governor Imee para timbangin ang kanyang kapalaran sa 2019 senatorial elections lalo’t nasa huling termino na ito bilang gobernador ng Ilocos Norte.
Naniniwala naman si Marcos na magiging malaking tulong sa kandidatura ni imee ang pag-iendorso ni pangulong rodrigo duterte sakaling magpasiya na nga itong tuluyang tumakbo sa pagka-senador.