Hinimok ni Senadora Imee Marcos ang Food and Drug Administration (FDA) na bigyan ng emergency use authorization (EUA) ang Ivermectin.
Ito, ayon kay Marcos, ay dahil nakatutulong ang Ivermectin na makagamot sa mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dagdag ni Marcos, ang Ivermectin ay mas abot kaya ang presyo.
Paliwanag pa ni Marcos, nagbibigay lamang ng intriga sa halip na makatulong ang pagbibigay ng compassionate special permit sa ilang ospital.
Samantala, nakiusap si Marcos sa pamahalaan na pagaanin ang buhay ng lahat ng mamamayan ngayong pandemya kasabay na rin ng kakulangan sa bakuna. —sa panulat ni Rashid Locsin