Nilinaw ngayon ni Ilocos Governor Imee Marcos na wala pang nangyayaring negosyasyon sa pagitan ng kanilang pamilya at ng gobyerno hinggil sa napaulat na kahandaan ng mga ito na pagsasauli ng mga umano’y nakaw na yaman.
Sinabi ni Marcos, na pinag-uusapan pa ng kanilang pamilya at mga abogado ang tungkol sa naturang balita.
Sa kabila nito, tiwala si Marcos na si Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging daan upang matapos ang deka-dekada na nilang mga kaso.
Matatandaang Martes nang ihayag ng Pangulo ang kahandaan umano ng pamilya Marcos na isauli ang ilang bahagi ng nakaw na yaman ng mga ito.
By Ralph Obina