Hinimok ni dating first lady at Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos ang anak na si Senador Bongbong Marcos na tumakbong presidente sa 2016.
Ayon sa report ng pahayagang “The Philippine Star”, nagpatawag ng emergency meeting si Ginang Marcos sa mga opisyal ng Kilusang Bagong Lipunan o KBL nitong Sabado na ginanap sa San Juan.
Sinasabing 20 lider ng KBL ang dumalo sa naturang pagpupulong kabilang ang ilang retiradong heneral na loyalista ng pamilya Marcos.
Sinabihan umano ng dating unang ginang ang mga nasabing KBL leaders na gusto niyang sumabak sa presidential race ang anak na si Bongbong.
By Meann Tanbio