Walang nakikitang anumang kaso si Senador Koko Pimentel sa panibagong insidente sa pagitan ng mga mangingisdang Pilipino at Chinese Coast Guard sa Panatag shoal na bahagi ng pinag-aagawang Spratly Islands.
Ayon kay Pimentel, kung pagbabatayan ang mga report ay ibang uri ng insidente ang kinasangkutan ng mga Pinoy at Tsino kaya’t hindi kailangan maghain ng panibagong diplomatic protest sa United Nations.
Nanakawan ‘yung indibidwal eh, tapos Filipino citizen. Sa ganung kwento, ninakawan ng Chinese citizen ang isang Filipino citizen, these are individual versus individual so wala tayong kaso niyan sa international arena, kung ganyan lang ang basic facts. Pero since Pinoy ang apektado, puwede rin naman tayong umalma. Pahayag ni Sen. Pimentel
Ipinunto pa ng senador na bagaman may panibagong gusot ay hindi naman aniya dapat magbago ang relasyon ng Pilipinas sa China lalo’t nanunumbalik muli ang ugnayan ng dalawang bansa pagdating sa kalakalan.
Kunyari merong Pilipino na namatay sa Slovakia, it doesn’t mean na kalaban pala ng Pilipinas na Slovakia, hindi po ganun. Kung tutuusin, tingnan natin ang government to government relations natin. Paliwanag ni Sen. Pimentel