Papayagan pa ring makapasok ng bansa ang mga banyagang may immigrant o permanent resident visa pero napaso na ang kanilang Alien Certificate of Registration Identity Cards (ACR I-Card) basta’t may valid Re-Entry Permits (RPS).
Sa isang pahayag, sinabi ni Bi Port Operations Cheif Carlos Capulong sa mga tauhan ng ahensya na ipatupad ang direktiba ni Commissioner Jaime Morente sa mga papasok na alien immigrants na may expired o pasong ACR I-Cards.
Habang ang mga dayuhan namang may pasong re-entry permits at special return certificates ay pwedeng mag-renew sa pagdating nila sa bansa.
Bago nito ay ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra na payagan ang mga dayuhang may pasong RPS at ACR I-Cards na bayaran ang renewal nito sa airport bago tuluyang payagang makapasok ng Pilipinas.