Dapat mapalakas ng Bureau of Immigration ang proseso ng kanilang pagbabantay para mahadlangan ang pagpasok ng mga dayuhang terorista sa bansa.
Ito’y ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla makaraang matuklasan ang pagdaan ng mga Indonesian terrorist sa normal na ruta bago mapatay sa Mindanao.
Ayon kay Padilla, mahalaga pa rin ang information sharing sa mga kaalyadong bansa para matukoy ang galaw ng mga terorista lalo na ang mga pumapasok na mga dayuhan sa bansa.
Napag-alamang walang kahirap-hirap na nakapasok sa bansa ang isa sa mga dayuhang kasama ng Maute Terror Group at hindi ito natunugan ng Immigration Bureau.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping