Nagbitiw na sa pwesto ang 2 opisyal ng Bureau of Immigration na isinangkot sa p50-million extortion issue.
Effective immediately ang inihaing resignation nina Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles.
Inanunsyo ni Argosino ang patungkol sa kanilang resignation, ilang oras makaraan silang sampahan ng kasong graft ni Retired Police Official Wally Sombero sa Office of the Ombudsman.
Sina Argosino at Robles ay nauna nang inakusahan na tumanggap ng P50 Million na suhol mula sa gambling tycoon na si Jack Lam, kapalit ng pagpapalaya sa kanyang mga tauhang Chinese na nahuli sa Fontana leisure park sa Pampanga.
By: Meann Tanbio