Handang harapin ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang anumang kaso na isasampa laban sa kanila ng pamilya ni RCBC Manager Maia Santos-Deguito.
Ayon sa mga kawani ng paliparan na siyang nangasiwa sa pagpapa-hold kay Deguito, may sapat na basehan ang sulat ng anti-money laundering council o AMLC na nagsasaad na ayon sa umiiral na batas, ang mga may kaso ng money laundering, kidnapping at economic sabotage ay kabilang sa mga factor kung bakit pipigilan ang sinumang indibidwal o grupo na lumabas ng bansa.
Tiniyak ng Immigration na haharapin nila ang anumang demanda na isasampa ng pamilya ng nabanggit na RCBC Manager.
Nilinaw din ng Immigration na tanging si Deguito lamang ang kanilang pinigilan.
Nagkaroon anila ng voluntary off-loading sa anak at asawa nito nang harangin ng airport authorities noong Biyernes ng hapon.
By Meann Tanbio | Raoul Esperas (Patrol 45)